Dating pangalan ng Pilipinas

Social Anxiety and depression

2019.05.24 07:02 outoftheeulb Social Anxiety and depression

Pasensya na po medyo mahaba yung story ko. Nag move ako sa US 4 years ago na, nahihirapan na kasi talaga ko sa depression at lalo na sa social anxiety ko. Bago ako napunta dito, nag aaral ako sa Manila, at that time may episodes na ko ng anxiety parang minor lang siguro, usually pag magisa ako naglalakad or bumabyahe. Kasi naman lagi akong may kasama friend or classmate ko kung maglulunch man or aalis kaya hindi ganon siguro ka grabe yung symptoms ko before. Para sakin normal lang naman siguro sa lahat ng tao na ganon naeexperience nila. Never ko nga naisip na may anxiety ako kasi hindi naman ako aware na may "anxiety" pala. Hindi pa ata ako nausuhan na mag self-diagnose dati. Lol. Kaya hindi ako ganon ka worried sa situation ko. There was a time na naging okay talaga ko during my last year sa college. Feeling ko nun parang nabigyan ako ng 2nd life biglang tumaas confidence nawala yung hiya or takot ko nun. Dun na din ako nag start sumali sa mga clubs or organization sa school. Even yung pageant sumali din ako kasi bigla lakas loob eh tsaka that time bihirang bihira ako mag worry about sa sarili ko at wala din akong negative thoughts nun di tulad ngayon. Wala akong ibang iniisip kundi ienjoy lang yung natitira kong days sa Pinas. Yung grades ko halos lahat tres-passing lang talaga, naka survive lang ng college kasi madalas tulog or wala ako sa school. Utang ko sa mga kaklase ko kung bakit ako nakatapos swear. May konting sikap ko din siguro during Finals buong libro inaaral ko lang during exams at syempre assignments laging kompleto. Siguro I dated 20 girls during my last year (nakakawala sa hawla nag break kasi kami ng gf ko nung umuwi ako ng pinas), may matipuan ka na girl from any school at Tinder (syempre uso) konting usap tas date. Yung iba cheerleader, volleyball player, yung tipong out of my league talaga pero dahil sa "confidence" nagagawa mo sya. (Never ko inexpect na magkakaganon ako during that time, may pagka torpe kasi ako dati) Hahaha. Ayun kala kotuloy tuloy na yun even sa work feeling ko kaya ko na lahat eh, nawala yung fear ko sa kahit anong bagay feeling mo agad magiging successfull ka ganon. Pero biglang nag "laho" lahat, pag balik ko ng US suddenly umiiyak na ako sa kwarto, na hohome sick ka na and miss mo na yung dating buhay easy easy lang naman satin dati. Syempre dito kailangan mo mag sikap tulungan mo yung parents mo sa mga bayadin. Nakakapressure din kasi wala naman silang ibang katulong kundi ako, parang gusto kong akuin lahat para sa family ko. Kaso hindi ko na talaga kinaya nauna pa dumating yung depression ko kesa dun sa pagtataguyod ng family, na nag lead na din sa social anxiety ko. From having the best year in my life naging pinaka worst hanggang ngayon. After graduation kasi lumipad na ko ulit sa US.
Una, nag self pity ako, kasi na iinggit ako sa mga classmates ko ang ganda ng posisyon nila agad na nakakuha ng training sa unang work nila sa Pinas, malaking boost kasi yun sa career mo especially sa fresh grads, 6 months training sa mga tech companies satin. Yung ibang classmates ko sabi nila hindi daw masyado na apply yung natutunan mo kaya yung training daw talaga yung tumulong sa kanila para maka kuha ng career sa IT. Pangalawa, yung interviews ko para sa IT field palpak lahat keso need daw kasi ng experience mag volunteer daw pero dahil kailangan ng tulong ng magulang ko nauwi ako sa retail jobs, which is kumikita ka naman kaya okay lang basta trabaho. Siguro nga nasa mindset na lang natin yun kung paano mo sya titingnan. Pangatlo, nag start ako magkaroon ng social anxiety sa work ko natatakot na ko umatend sa events at parties, unti-unti na din bumaba yung confidence ko kasi puro negative na lang naiisip ko sa sarili ko dagdagan mo pa na puro spanish mag salita mga ka-work mo kaya naparanoid ka na pinaguusapan nila ako, hanggang sa naisip ko na lang na umalis ng work baka sakaling maging okay kung mawawala na ko sa environment na ganon. Pang-apat, may bagong work na ko, sa office naman clerical position naman mas madali lahat tapos pinoy din yung boss ko kaya mabait, kaso dun na din nag start lumala yung anxiety ko, hindi ko maiexplain kung bakit nagka ganon pero siguro nag start na talaga since nadevelop sya nung lumipat na ko dito. Hindi na ko makalabas ng bahay at natatakot na din ako sumama sa mga friends ko dito sa US pero friends ko na sila dati pa sa Pinas nagkataon na may mga nag moved nadin kasi dito. Tumigil na din ako sa pag gamit ng social media kasi feeling ko magbabago yung perception sakin ng mga dating circle of friends ko pag nalaman nila yung condition ko, nahihiya ako kasi siguro never nila ineexpect na mangyayari sakin to. Kaya natengga na for 2 years yung fb at ig ko, madaming friends ko ang laging nag rereach out lalo na nuon kahit hindi ko super close na friends nag tatanong sakin, madalas nag memessage sila. Kaso madalas hindi ko din sila nasasagot, natatakot kasi talaga ko na malaman nila na nagka depression at anxiety ako, wala na yung dating "ako" na kilala nila. Lumalala na yung confidence ko, kahit pag tatype pa lang ng story ko dito anxious pa din ako eh, feeling ko ijujudge agad ako sa mga sinasabi ko. Dami ko na din bad experiences na feeling ko pinagtatawanan ako ng mga tao lalo na sa work, kaya hindi ako makapag focus, ang hirap feeling ko ang tanga tanga ko pero alam ko naman sa sarili ko na kaya ko, yun nga lang sinisira ako ng pagiging nega ko.
Sorry nakwento ko na ata yung buong buhay ko, naisama ko na din kasi yung natitirang masasayang alaala sa buhay ko, madalas din ako nag babasketball dati pero bihira na lang ngayon, dating payatot nga pala ko dahil sa basketball court ako nakatambay during weekends kahit anong dami ng kinakain ko di ako tumataba pero nung nag visit ako sa US bigla akong tumaba at yun yung nag boost sa confidence ko. Kung meron man dyan na may confidence issues sa weight nila, try nyo abutin yung goal nyo na magpapayat or magpataba kasi based from my experience malaking tulong yun sa mga naging issues ko dati. Insecure ako kasi feeling ko sobrang payat ko. Syempre ngayon para sakin iba na yung issues ko at komplikado na yung sitwasyon ko kasi mental illness na sya hindi na kaya ng diet or pagkain lang. Nag try na din ako ng iba't ibang options, nag therapy na din ako, group at individual, samahan mo pa ng psychiatrist at psychologist, nagcoconsult ako dati para sa meds at treatment ko, minsan halos sabay sila sa isang week, para lang mafast track yung recovery ko pero walang nangyari. Nag patuloy ako sa group sessions kasi sagot naman ng insurance ko yun, yung individual lang talaga yung may bayad.
Napapaisip tuloy ako kung bumalik ba ko ng Pilipinas at itry yung treatment satin maybe magpa admit ako or maghanap ng CBT Treatment para mabigyan pansin talaga yung mental health ko. Masyado kasing mahal dito lalo na ngayon balak ko na ulit mag quit sa bagong work ko, nangyari na kasi yung pinaka kinakatakot ko, nag anxiety attack ako kanina sa work, yung feeling na naijujudge na ko ng mga ka work ko. Feeling ko ngayon may cover na lang ako at pag naexpose na yung tinatago kong anxiety, nag hohold back na ko, gusto ko na lang sa bahay at least walang mag jujudge sakin dun.
Thank you! Kahit papano na makwento ko lang story ko nakaka gaan na ng loob. At ang maipapayo ko lang sana maging open kayo sa mental health issues nyo lalo na sa family at close friends, dapat kasi naaagapan agad kung may nakikita kayong senyales. Di tuald nung sakin na too late na, affected na ko masyado at ang hirap na ibalik yung dating mindset ko. Kung kailangan nyo ng advice at makakausap just message me, at least hindi nyo ko ijujudge nag aanxiety kasi ako pag kausap ko kahit mga dati kong friends, feeling ko hindi na ko ganon kasya kausap lol Btw, second account ko to sa reddit yung isa kong account obvious pangalan ko makilala agad ako. Pray lang tayo lagi na dadating din yung time na magiging normal ang lahat. Never din ako nag try mag suicide, lagi ko kasi naiisip mga kapatid ko, magulang ko tsaka girlfriend ko at sa future family ko yung magiging anak ko. Mas okay na siguro na hindi ka okay, basta pilitin mo pa din mabuhay, may pagasa pa naman. Tiwala lang!
submitted by outoftheeulb to Philippines [link] [comments]


2019.02.27 05:06 Patrick0415 Guys, please help me debunk this bullshit by Marcos Loyalists.

The post goes as follows:

PHILIPPINE HISTORY TRIVIA
Alam niyo bang noong bata pa si Ferdinand E. Marcos naakusahan na ito ng kasong murder ? Isa pa lamang siyang estudyante sa law noon. Ang nakakabilib doon ay di siya kumuha ng abugado bagkus siya mismo ang nagligtas sa sarili niya at kinatigan siya ng korte ang sabi pa ng isa sa mga hukom " huwag nating sayangin ang buhay nang batang ito, malaki pa ang maiaambag nito sa bansa" ani ni Osmeña.
Alam niyo rin ba na ang batang Marcos din ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa kasaysayan ng pag aabugasya ? Dahil ang grado nito ay halos 100% kaya naman pina-retake sa kanya dahil baka nandaya raw at oral exam ang ginawa s kanya sa loob pa ng korte. At nakakuha siya ng 95% pinakamataas parin sa kasaysayan
Alam niyo bang Si FEM ang pinakabatang pulitiko na nanalo bilang Mayor, Congressman, Gobernador at Senador ?
Alam niyo rin bang mayaman talaga ang pamilyang Marcos ? Dahil sila ang kinuhang abugado ng Pamilyang Tallano na nagmamay ari sa buong pilipinas. Ang bayad ay tone-toneladang ginto. Na dati ang pangalan ng bansa natin ay The Maharlika.(Do research about this)
Isa pang trivia. Ang mga tallano ang nagbayad o totoong bumili saatin nung isuko ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika. Ibinigay ito ng Tallano sa Amerika para pambayad o pantubos sa ating bayan.
Alam niyo bang Si FEM ay isa sa pinakamagaling na leader at hinahangaan sa buong mundo ? Dahil sa aking nitong talino at husay sa pagpapalakad at pagpapalakas ng bansa. Kaya naman maraming inggit sa kaniyang galing, 1 dollar is 2peso lang ang pilitan, sumunod tayo sa Japan sa pinakamalakas na bansa sa buong Asia. At tayo ang Tiger of Asia!
Alam niyo bang nagpadala si Marcos ng tulong sa Korea at Vietnam para makatulong na matapos ang digmaan sa kanila ?
Alam niyo bang ang Pilipinas pa ang nagpautang at nagbigay ng tulong sa bansang South Korea para madevelop at mapaganda ang bansa nila after Korean War ? Kaya ganon nalang utang na loob ng south koreans saatin.( search niyo speach ni dating Pres. Park)
Alam niyo bang magka-brod o iisang fratternity lang si Marcos at Aquino ? Matalik talaga silang magkaibigan nasira lang dahil sa pulitika at mga kakampi ni Aquino.
Alam niyo bang sa loob ng mahigit 20yrs niya sa panunungkulan ay umabot lamang sa mahigit 500bilyong piso lamang ang kabuuang budget na nagastos niya ? Ikumpara mo sa 1 trilyon ni Cory na di naman natapos ang termino at 1.5 trilyong piso ni Ramos na isang termino lang ?
Alam niyo bang kahit pagsama-samahin lahat ng proyekto ng mga sumunod na presidente sa kanya ay di parin mangangalahati sa lahat ng accomplishment niya ? Simula kay Aquino at kay Aquino uli haha. Karamihan sa mga proyekto o iba ay puro pinalitan nalang ng pangalan.
Kagaya ng Manila International Airport naging NAIA. LRT na kauna unahang Vertical Railway System sa SouthEast Asia. NLEX Basta marami pang iba. Visit Ferdinand E. Marcos page para makita niyo yung iba o halos lahat makikita niyo dun.
Alam niyo bang idineklara ni Marcos ang Martial Law dahil sa Pambobomba ng mga terroristang NPA at pag-usbong ng iba pang rebelde gaya ng MNLF at ibpa.
Alam niyo ba na balak bawiin ni Marcos ang Sabah ? Dahil parte ito ng pilipinas regalo ito ng Borneo(Im not sure) sa sultan ng Sulu dahil sa pagtulong sa kanila sa pakikidigma. Binalak itong bawiin ni Marcos sa Malaysia sa pamamagitan ng pagsakop dito para mabilis mabawi. Gumawa siya ng isang grupo ng mga muslim para di mahalata ng mga Malaysian ang pagsakop. Tribo ito ng mga tausug at dinala sa Corriedor upang sanayin subalit may napabalitang may namatay na tausug at ito ang tinawag ni Aquino na Jabidah Massacre. Isa ito sa dahilan ng pag-usbong ng MNLF.
Alam niyo ba na kaya nagkasundo ang Gobyerno at MNLF dahil sa kasunduan na pinagigitnaan ng libya ? Kaya nabuo ang ARMM ? Maraming miyembro ang di nakuntento kaya nabuo ang break-away faction na MILF ? Na nakikipag kasundo naman ngayon sa gobyerno kaya nabuo ang BIFF ?
Alam niyo ba kung bakit walang namatay noon sa People Power sa edsa ? Dahil sa utos ni Marcos.
Non-Verbatim:
Gen Ver: Pres. Nakaporma na ang mga sundalo natin at handa ng umatake.
FEM: My order is not to shot.
End.
Alam niyo bang bago pumunta si Marcos sa hawai ay hiniling nito na buksan ni Aquino ang Bataan Nuclear Plant upang masustentuhan ang National Grid na na plano ni Marcos upang mapababa ang presyo ng kuryente ?
Alam niyo bang proyekto ni Marcos ang mga rural banks, kooperatiba upang matulungan mamuhunan ang maliliit na mangingisda at magsasaka ?
Alam niyo ba na proyekto ni FEM ang Green Revolution(correct me if im wrong) na nagresulta ng self efficiency natin sa bigas at nakakapag export pa tayo na kumikita ng mahigit 3bilyong dolyar kada taon.
Alam niyo ba na siya lang ang natatanging Leader na kailanman ay hindi gumamit ng kahit kodigo sa talumpati nito o interview ng english ?
Alam niyo bang pagmamay ari ng gobyerno o GOCC ang mga PNB, Petron, PAL, NAWASA, channel 4 and 13 etc. Marami pang iba ngunit ang iba ay napalitan ng pangalan o di kaya ay binenta sa pribadong kumpanya.
Alam niyo bang hawak ng gobyerno ang MERALCO noon dahil nalugi ito at humingi ng tulong ang mga Lopez sa gobyerno para di mabangkarote ? Ngunit nabaliktad ito nang pinaalis si Marcos at nakuha uli ito ng mga Lopez.
Alam niyo bang hanggang sa ngayon tinatamasa parin natin ang halos lahat ng proyekto niya ?
Alam niyo bang pina-ban ni Marcos ang pagpapalabas ng Voltes V noon dahil nagpapakita ito ng paghihimagsik o rebulusyon ?
Panoorin ang Interview ni Mel Tiangco kay Ms. Imelda Marcos sa Power House. Ipinakita doon ang isang silid na naglalaman ng papeles o documento na magpapatunay sa yaman nila. Kung hindi ako nagkakamali pinabasa niya ito kay Mel at umaabot na ito halos isang trilyon kasama ang interes dahil tatlong limang dekada na ito nakatago. Ani pa ni Ms. Marcos itinatago daw nila ito para sa buong pilipinas at maging sa mundo.
Alam niyo bang libo-libong kaso ang kinaharap ni Ms. Marcos sa korte ng New York subalit ni isa dito ay walang nanalo. Kaya naman tinawag itong "fight of the century".
Alam niyo bang karamihan sa alahas o koleksyon ni Ms. Marcos ay regalo sa kaniya ng ibang leader sa buong mundo tuwing ito'y bibisita sa ibang bansa ? Oh kaya naman bibisita sila sa ating bansa ?
Alam niyo bang tagahanga rin si Du30 ni Marcos ? Sa katunayan may pahayag siyang gagayahin niya ang ibang proyekto ni Marcos gaya ng Masaganang Ani at Biyayang Dagat, na talaga namang nakatulong at napaganda ang buhay ng mga mangingisda at magsasaka.
Alam niyo bang may libreng pagkain noon sa eskwelahan ? Iyon ay ang Nutri-Bun.
Full credit goes to the owner.
submitted by Patrick0415 to Philippines [link] [comments]


2018.10.18 05:55 hidingfromy0u PSA to all Muntinlupa residents and their friends

May tumatakbo diyan para sa pagka-Mayor, pangalan Red Mariñas. Bigyan ko kayo ng background niya.
Dati siyang tiga-tatak sa airport. Frontliner. Walang achievements, low profile. Tinapon pa nga yan sa La Union dahil sa pangungurakot. Anak siya ng isa pang kurakot na empleyado na ang expertise ay visa para sa mga intsik. Nang makapwesto si Aguirre, nakaporma na si Mariñas sa Immigration dahil bestfriend niya ang anak ni Aguirre. Biglang naging hepe ng Port Operations Division. Hepe ng LAHAT ng airport at seaport ng Pilipinas. Naging Deputy Commissioner pa nung nagresign ang isang Deputy Com.
Merong termino sa airport, “sarado” kapag walang basbas ang pamamasahero (under the table, pera kapalit ng tatak) at kung mahuli ka pag sarado, ay may kalalagyan ka tulad ng Batuganding, Saranggani o Turtle Islands, Tawi-Tawi. In short, itatapon ka sa malayo bilang parusa.
Nang magsimula ang panahon ni Mariñas, “bukas” ang airport. Bukas na bukas. Tinanggal sa posisyon ang mga nanghuhuli ng kurakot noong “sarado” pa. Ngayon, ang mga nakapwesto at napromote ay mga kilalang ganid sa pera. Yung mga pinatapon dati dahil may mga kaso ay pinabalik sa NAIA at promoted pa. Ang abutan ng pera ay cold hard cash, sobre sobre pa. Pakapalan nalang ng mukha sa x-ray ng entrance ng airport. Kanya-kanyang tanggap ng pera linggo-linggo. Salamat Mariñas! Labas-masok mga intsik, kanya-kanyang pagpapaalis ng Pinoy, kahit kulang ang dokumento, ayos lang, basta bayad. Pwede abutin ng 30k to 100k isang tatak. Pag may derogatory record, mas mataas.
Bakit hindi ito nairereport? Ang dating protocol, kapag may nahuling tiwaling officer, diretso ang report sa Commissioner. Nang umupo si Mariñas, agad siyang naglabas ng memorandum. Lahat ng report ukol sa pamamasahero, addressed dapat sa kanya. Nahaharang niya ang reports kaya hindi napaparusahan ang mga bata niya. Hanggang sa bandang huli, yung mga taong ang trabaho ay manghuli ng tiwaling kasamahan, ay tinanggal sa pwesto.
Pumutok ang balitang wala nang OT ang Immigration. Less than 20k ang sahod ng mga tao. Pero kahit ganito, papaanong nakakapagabroad, nakakabili ng condo at kotse ang mga empleyado? Lalo na yung mga empleyadong sila lang ang breadwinner sa pamilya at wala namang ibang income? Salamat kay Red Mariñas. May basbas ang korapsyon. Naging one-money para sa mga kasali sa grupo. May iilang hindi daw tumatanggap pero mabibilang sa isang kamay.
Nung umupo si Duterte nagbigay ang DBM ng daang-daang item para sa bagong IO, halos lahat kamag-anak ng mga bisor at kurap na empleyado. Nung panahon ni Aquino, nag-mass hiring din pero naging merit-based ang hiring at automatic tanggal sa listahan pag may kamag-anak sa loob. Kaya galit na galit ang mga luma sa bago. Kasi outsider talaga at dahil may prinisipyo pa. Pero dahil change has come, kapatid ni Mariñas, syota ni Mariñas, pati tiga-timpla ng kape, napigyan ng item o di kaya promoted. Yung mga di nakayanan ang kurapsyon, nagresign pero pinalitan naman agad ng sangkaterbang bagong pasok na maraming backer. Yung dating may prinsipyo, napakapit sa patalim dahil wala nang OT pay. Good guys out and good guys turned bad habang bad guys in and worse guys promoted. Mapa-luma or bagong empleyado, masaya at hayahay ang buhay. Nagsswimming sa pera. Ang linis talaga magtrabaho ni Mariñas.
Nagresign si Mariñas para makatakbong alkalde ng Muntinlupa. Labis ang hinagpis ng mga kurakot sa airport. Kaliwa’t kanan ang “Mahal ka namin Sir Red” dahil sa pagbubukas ng airport. “Mahal ka namin Sir Red” sigaw ng mga bugok na napromote. Mabait si Red Mariñas. Oo, mabait. Sa mga tulad niyang ganid sa pera. Dinidiyos siya ng mga taga-BI dahil nagpaulan siya ng promotion sa mga taong hindi mapromote-promote dahil puro may mga kaso at wala naman talagang achievements. Ngayon ultimo taga-bitbit ng bag at taga-bilang ng pera, level up.
Tignan niyo nalang facebook page and pictures niya. Alam niyo ba ang kasabihan na nagrereflect sa hitsura ng isang tao ang kanyang pagkatao? Titigan mo ang picture niya. Umaalingasaw ng corruption, hindi ba?
Hindi ko kilala yung kalaban niya sa pagka-alkalde ng Muntinlupa. Pero si Mariñas, kilalang-kilala ko at halos araw-araw ko nakakatrabaho. Kung nakakasuka sa BI dati, 100x na mas masahol ngayon. Kayo na ang humusga kung karapat-dapat ba siyang iboto.
submitted by hidingfromy0u to Philippines [link] [comments]


2018.09.25 06:01 NothingsCall annoying BBM and DDS blogger

Dahil sa EDSA.
Dahil sa Edsa 1986, ibinenta ang 67 porsyento ng government owned. Philipines Airlines (asia's oldest carrier) binili pa ito ni dating pangulong marcos, subalit ng mawala siya bigla itong naging pagmamay-ari ni Lucio tan.
Dahil sa Edsa 1986, nawala ang government owned company na meralco, pagmamay-ari ito ng Lopez Family subalit noong nalulugi ang meralco ay ipinagkatiwala ito kay pangulong Marcos ipinamahagi niya sa murang halaga, ngunit ng mawala siya ay muli itong napabalik sa mga Lopez ng walang kondisyon. Dahil ibinalik ni Corazon Aquino kaya ngayon nagdurusa ang mga pilipino sa mahal na bayarin sa kuryente.
Dahil sa Edsa 1986, ipinasara ang bataan nuclear power plant na matatagpuan sa morong bataan, sinayang ang $2.3 billion. Na magbibigay sana 623 MW na kuryente sa buong luzon. Noong nasa hawaii si pangulong marcos ay ipinakiusap niya kay Corazon Aquino na ipagpatuloy ito dahil mapapakinabangan ng mga pilipino subalit hindi pinansin ni Cory Aquino ang kahilingan ni Marcos sa halip ay ipinasara.
Dahil sa Edsa 1986, ibinenta ang 60 porsyento nang government owned ang Petron Corporation. na ngayon may kaugnayan kay Fidel ramos na noo'y kasama sa mga traydor na nagpatalsik kay dating pangulong Marcos.
Dahil sa Edsa 1986, ibinenta ang 61 porsyento ng lupa Food Terminal, Inc (FTI) na matatagpuan sa taguig noong nobyembre 2012 panahon ni Benigno Aquino Sold 74 Hectares of FTI's land to ayala land, Inc. For 24.3 billion pesos and the area is now know as Arca south. FTI is left with only 46 hectares.
Dahil sa Edsa 1986, pinalitan ang dating pangalan ng Manila International Airport at ginawa itong Ninoy Aquino International Airport. (Bilang pag-alala daw sa kabayanihan) pero lingid sa kaalaman ng ilan natin kababayan ang senador na ito ay may kasong trison noong 1977.
Dahil sa Edsa 1986, nawala ang Government owned Manila Transit Corporation sa metro manila, isa ito sa mga dating Programa ni madam emilda marcos na noo'y tinatawag na "LOVE BUS." kung saan ang mga pasahero noon ay may disiplina pa sa pagsakay kumbag marunong pumila. Ganito kadisiplinado noong araw.
Dahil sa Edsa 1986, ibinenta ang National Steel Corporation na matatagpuan naman sa iligan city, 1995, Pres Fidel Ramos sold asia's largest factory and government owned company, National Steel Corporation (NSC, to wing tiek of the malaysian Westmont group. NSC used to employ as many as 4.200 Filipinos before it was sold.
Dahil sa Edsa 1986, hindi natuloy ang plano ni Marcos na paglikha sa Southern Leyte Polytechcnic College sa Maasin Leyte. Sayang no? ang daming plano ni marcos na hindi ipinagpatuloy ng mga sumunod sa kaniya.
Dahil sa Edsa 1986, napabayaan ang mga state universities sa pilipinas, na dati ay nasa listahan pa ngayon napag-iwanan na. Sa top 25 universities sa southeast asia. Nangunguna ngayon ang National University of Singapore.
Dahil sa Edsa 1986, nahinto ang pagdedevelop sa Anti-typhoon rocket project kumbaga noon pa man gumagawa ng paraan ang pangulong Marcos na masulusyunan ang problema sakali man na may bagyong dumarating sa pilipinas.
Dahil sa Edsa 1986, nagdurusa ang mga pilipino dahil sa Value Added tax (Vat) january 1 1988 10% panahon ni Cory Aquino at noong January 1 2006 ginawang 12% vat ni Ralph G. Recto. Isang Senador na kailangan nakapangalan sa kaniya ang mga Proyekto niya. (Tatak pahirap sa bayan)
Dahil sa Edsa 1986, naging pasaway ang karamihan sa mga pilipino, wala nang gustong pumila sa sakayan ng bus, bagkus gusto unahan, nawala ang Disiplina, lumaganap ang Droga, nakawan at patayan, gahasaan, rambulan ng kabataan. Nawala na ang mga dating libre, kagaya ng nutriban, at marami pang iba. Ito ang Edsa at kalayaan ipinaglalaban nila. Ipinagpalit nila sa papaunlad na sanang bansa ang striktong pamumuno sa maluwag na batas na tinatawag na Demokrasya, inabuso ang kalayaan kaya mga kabataan ngayon ang nagdurusa ngayon, sa mga nagpauto sa EDSA noon.
submitted by NothingsCall to Philippines [link] [comments]


2018.07.07 03:26 carl2k1 TIL 2014 Pinalitan ng PAGASA ang pangalan ng Bagyong Kanor. Di daw maganda ang dating ng Kanor thus robbing us of these news gems: "Bagyong Kanor Binayo ang Pilipinas. Mga daligita pinag-iingat." "Kanor Sinalanta sumambulat sa Pilipinas."

TIL 2014 Pinalitan ng PAGASA ang pangalan ng Bagyong Kanor. Di daw maganda ang dating ng Kanor thus robbing us of these news gems: submitted by carl2k1 to Philippines [link] [comments]


2015.12.08 08:58 Shamc12 LIHAMNGPAG-IBIG

LIHAM NG PAG-IBIG
UNANG ARAW SA ESKUWELA ! Isang private school ang paaralang pinag-aaralan ko kung saan tatlong palapag ang taas na pinagkakasyahan ng sampong silid aralan ang bawat palapag. Ang faculty office , registrar office at Dean’s office ay madadaanan bago makapasok sa unang palapag sa pinakababa. Napapalibutan ito ng naglalakihang gusali at ang main gate nito ay nasa gawing harap ng naturang gusali kung saan isang malaking kalsada ang bumubulaga. Araw ng Linggo noon ng magsimula ang pasukan naminsa klase, bali noong nakaraang lingo ay nag-enroll kami ng mga kaibigan ko ng 3rd year high school.Sa ikalawang palapag sa bandang dulo sa kanan ang aming Classroom. Tulad ng kadalasan, tuwing umaga ay maaga akong dumarating sa klase hindi para sa kung anuman kundi para maglinis at mag ayos ng mga upuan sa silid paaralan namin, alas siyete na ng makatapos kami magwales ng dalawa kong kaibigan na dumating sa kalagitnaan ng aking paglilinis nang tumunog ang bell sabay pagkarinig sa lalaking nagsasabing “Ang Pamabansang Awit ng Pilipinas.” Nagsitayuan kami at karugtong noon ay inawit namin ang Pambansang awit. Mula 1st year ko dito ay yaon na ang aming flag ceremony ang pagtayo ng matuwid naming mga estudyante sa bawat silid sa loob ng paaralan sapagkat walang playground sa aming paaralan. Nang mag Alas siyete biyente na ay lahat na ng mga estudyanting enrolled sa section na kinalagyan ko ay nasa loob na at ang aming guro sa first period na si ma’am Physical, yan kasi ang tawag naming sa kanya mula noong maging PE subject namin siya sa second year, palagi kasi niyang nababanggit ang Physical tuwing nasa loob siya ng klase. Sa section namin ay si Nash at Yanah lang ang kakilala ko ang lahat ay familiar lang ngunit hindi ka-close at marami ring una lang sa paningin ko. Tulad ng laging ginagawa sa unang araw sa eskuwela, pinakikilala sa amin ni ma’am Physical ang bawat isa, isa-isa kaming pupunta sa unahan para i-introduce ang aming sarili. Nang ako na ang pumunta sa harap ay subrang laki ng kaba sa dibdib ko, yon bang para akong natutunaw sa lamig, na yong tuhod ko ay nangingilay na, ewan ko kung bakit ganoon ang aking naramdaman na para bang una ko lang ‘tong ginawa. Lalo pang nadaragdagan ang nararamdaman ko nang mapasulyap ako sa isang mukang ngayon ko lang nakita, panay ang titig sa akin, binaling ko ang paningin ko sa ibang kaklase, hindi ko tuloy mabigkas-bigkas yong sasabihin ko, nauutal ako’t nabubulol, tiningnan kong muli ang mukang iyon ngunit nakatitig parin sa pagmumuka ko, naiinis at nahihiya tuloy ako, napalitan ang aking panlalamig ng pag-iinit ng aking buong katawan, malakas ang tibok ng puso ko at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, nilakasan ko ang loob ko at pilit na sinabi ang aking pangalan at edad “Ako si Leah C. Dimakuta, 18 years old.” yaon lamang at pumunta na ako sa aking upuan kung saan katabi ko ang dalawa kong kaibigan, kasabay ng paghakbang ko ang palakpakan ng mga bago kong kaklase. Sumunod naman sa pagpapakilala si Nash ang banda sa aking kanan, tapos na kasi si Yanah noong bago ako magpakilala. Pag kaupo ni Nash ay sinundan ito ng iba pa naming kaklase, pinakahuling nagpakilala ang lalaking una ko lang nakita na nakatitig sa akin kanina lang, nagpakilala siya pagkatapos kaming batiin ng magandang araw, isa pala siya sa mga transferes kaya hindi familiar ang kanyang muka. Kung magsalita siya ay parang laki sa Maynila, sanay na sanay magtagalog, ngalan niya pala ay Kristian Diaz, is siyang kristiano ka-edad ko din siya. Bakit kaya kahit nasa upuan na ako ay malakas parin ang tibok ng puso ko? Sa isip ko lamang at napahawak ako sa dibdib ko, habang iniisip ko kung bakit, napatingin siya sakin at ako nama’y nakatingin sa kawalan na nasa direksiyon niya.“Uuuyy! Ayyyee!”halos sabay-sabay na bigkas ng mga kaklase ko pati ng mga kaibigan ko. Napatingin ako sa kanila sabay baba ng kamay ko.
Sa ikatlong araw namin sa klase ay pina-transfere kami ni ma’am Physical na siya ring adviser naming sa kabilang silid, nagpalit sila ng kabilang adviser mas marami raw kasi ang estudyante niya na kakasya sa silidnamin, pinaunlakan naman ni ma’am sapagkat kakasya naman kami sa kabilang silid. Panay ang pang-aasar sa akin ng dalawa kong kaibigan,idol na idol ko kasi yaong leading man ni Kathryn Bernardo sa Mara Calara na si Kristian kaya’t inaasar nila sa akin si Kristian lalo pa’t nang pumasok na kami sa kabilang silid ay niging mas malapit kami ng kinauupuan ni Kristian. Nang matapos ang apat na sunud-sunod naming subjects ay alas diyes na ng umaga at break time na kaya’t pumunta kami sa Canteen upang bumili ng makakain. “Leah, what if may pagtingin siya sayo?” wika ni Nash. “E di manligaw.” Mabilis na sinabi ni Yanah. “Ano ba kayo, mga sira?”. Pang-aasar parin ang inihalili sa akin ng mga kaibigan ko, habang pababa kami sa hagdanan papunta sa Canteen.Sa looblooban ko napakasaya ko, at gusto kong inaasar nila sa akin si Kris pero kunwari’y nagagalit ako o sinusungitan ko sila pag-inaasar sa akin.
Paglipas ng dalawang buwan, nang maging kaibigan ni Kris ang ilan sa mga kaklase naming adik sa dota, lagi nalamang siya lumiliban sa klase dahil nakikisama na sa kanila kaya’t naging hilig niya din. Mabuti narin at medyo nalilimutan ng mga kaibigan ko na asarin ako tungkol kay Kris, noong una halos isigaw pa nila sa loob ng paaralan ang pangalang “Kris at Leah” ginuguhit pa sa blackboard ang hugis puso’t nakasulat ang “Kris love Leah.” Ngunit ngayon madalas lumilipas ang araw ko ng hindi ko man lang naririnig ang pangalang Kris sa kanila. Natandaan ko tuloy noong maghiram siya sa akin ng note book ko sa Chemistry kilangan kasi niyang kumupya ng mga lecture dahil malapit na ang exam namin, nang ibalik niya ay may sulat sa gitna na “Thank you Leah.” Na may nakaguhit na napaka-cute na smiley.Sa loob ko namimis ko siya hindi ko alam kung bakit iyon ang nararamdaman ko, marahil ay dahil Crush ko nga talaga siya kaya lagi nalang hinahanap ng mata ko ang pagmumuka niya.
Sa mga nagdaan pang mga buwan ang paghanga ko kay Kris ay nanatili parin. Ngunit isang umaga ng nagwawalis ako sa loob ngaming silid ng may mapulot akong nakatuping papael napalunok ako nang mabasa ko ang nakasulat sa ibabaw nito, “To my lovelots Kris” at sa ibaba nito ay nakasulat ang “Marry-am” na may lagda, binuklat ko parin at binasa ang nilalaman.
“ Kulit, salamat sa regalo mo ah, yon ang pinakagusto ko sa lahat ng natanggap kong regalo. Wag kakalimutang kumain ah. I love you Kulit, muwah!”
Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang mabasa ko ang sulat na’yon, parabagang nahulog ako mula sa langit at natusok ako ng isang matulis na bagay na kinahulugan sa akin at yong puso ko ay para bang hinihiwahiwa ng isang kutsilyo, ramdam na ramdam ko yon. Napaupo ako sa isang silyang nasa likuran ko atnaala-ala ko yung mga sulyap-sulyap ni Kris sa akin noon na sa pamamagitan niyon’y umaasa akong Crush niya din ako, ngayon’y nabatid ko nang si Marry-am pala ang Crush niya, ang babaing ubod ng ganda sa amin. Alam kong maling-mali ang nararamddaman ko, na hindi talaga pwedeng maramdaman ko iyon pero susubukan ko lang namang mahalin siya dahil naniniwala akong sa pagmamahal walang mali at walang hindi tama kung ang dalawang tao ay nagmamahalan. Napalingon ako sa gawing kanan nang may kumatok sa pinto kahit hindi naman sarado. “Sampong sigundo na akong naririto pero di mo parin ako namamalayan.” Wika ni Nash “Nakasimangot at para kang kinapos palad. Ano ba ang pinagdadalamhati mo riyan?” pagpapatuloy sa sinabi habang lumalapit sa akin, hindi ko na siya nagawang sagutin, napansin niya ang papel na hawak ko pa, kinuha niya ito at binasa. “Leah, marami pa namang gwapo dito sa school.Mas gwapo pa kay sa kanya.” Sabay haplos sa kamay ko. “Ewan ko ba Nash, alam ko namang hindi maari kahit gusto pa niya ako diba?” sagot ko. “Alam natin yan.” “Pero bakit hindi ko matanggap? Bakit hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko? Bakit nang mabasa ko yan, ito ang naramdaman ko? Tapos ngayon galit ako kay Marry-am.” “Bakit ka namang galit sa kanya?” “Bakit kasi sa dinamirami ng mga babae dito sa school ay siya pa?” “Kung ibang babae ba hindi ka magagalit?” Napatingin ako sa kanya, sa isip ko tama siya, magagalit parin naman ako sa sinumang babaing mahal niya. “Move on Leah, Crush lang naman yan e.” niyakap ako ng kaibigan ko, tama siya bakit ako ganito hindi ko naman hawak ang buhay ni Kris, tanggapin ko nalang na si Marry-am ang gusto at mahal niya. Lumipas ang maraming araw nang si Kris at Marry-am ay lagi kong nakikita sa loob ng klase, nagpapalitan ng Love letters, sabay papasok, sabay ring lumalabas tuwing break time at tanghalian, mahirap sakin na limutin ang nararamdaman ko kay Kris pero buong tapang kong ginawa, hindi na rin siya naghihiram ng notebook sa akin, hindi ko alam kung nalaman ba niyang gusto ko siya kaya iniiwasan niya ako o pinaiwas siya ni Marry-am sakin. Pero kahit hindi kami close ni Marry-am nakipagkaibigan ako, ayaw ko kasing isipin niyang insecure ako sa kanya dahil alam niyang simula palang gusto ko ang nobyo niya, madals kasi niyang marinig ang dalawa kong kaibigan noong panay ang pang-aasar sakin kay Kris. Lumipas angmga buwan na naging komportable na ako sa pakikisama kay Kris at Marry-am at pinatunayan kong ako ang pinakamagaling sa 3rd year kaya lagi akong nangunguna sa top list, kaya naman noong pagdating ng awarding sa graduation day ay ako ang high honor sa 3rdyear.
Paglipas ng dalawang buwang bakasyon ay nag-enrolled kami ng 4th year, nahuli akong mag-enrolled at hindi ako nakasabay kay Yanah at Nash kaya ngayon ay hindi na kami iisa ng silid aralan, sila ang naunang mag-enrolled kaya sa kabilang section sila nalagay, ako naman dahil napuno na yong walong anim na section para sa mga dating estudyante ay nalagay ako sa section ng mga bago. Madalas akong puriin ng mga guro namin sa mga bago kong kaklase, magkatabi kami ni Jenny ng upuan at si Iyah naman at ang dalawang pa sa kaklase namin ay nasa bandang kanan rin. Naging magkakaibigan kami ng mga kaklase ko, madalas kasi silang lumalapit sa akin dahil iyon ang bilin ng mga guro namin. Kaya nang araw ng pagpilisa mga manunungkulan sa loob ngaming klase ay ako ang ginawa nilang presidente, hindi ako makatanggi dahil pinagsang-ayunan nilang lahat, tinanggap ko nalang ang disisyon nila, at inako ang katungkulan bilang presidente nila. Isang umaga ng maaga akong pumasok, nagwawales kami non ni Jenny na dumating din ng maaga dahil kami ang naka-eskidiyul na magwawales. Mabilis kaming nakatapos at magsaayos ng mga upuan nang may ibigay siyang sulat sa akin.
“Hi Leah,isang ,magandang umaga sa iyo. Kumusta ka na, ?awkward kung sabihin kong namimis kita, pero gusto ko paring sabihin. -I Miss You Leah- Sana magreply ka.”
Your secret admirer.
Hindi ko alam kung saan galing ang sulat na ito kaya nagtanong kay Jenny.“Jenny saan galing ‘to?” “Ayaw niyang ipasabi kung sino siya e.” “Pakibalik mo nalang kung ganun.” “Hindi naman siguro masama kung replayan mo di ba?” “Hindi ko naman alam kung sino siya.” “Bakit di mo replayan at itanong sa kanya?” Kinukulit ko si Jenny kung sino talag pero ayaw niyang sabihin kaya pinagwalang bahala ko na ang liham na iyon. Ipinasauli ko nalang kay Jenny. Nang recess na ay bumaba kami ni Jenny para bumili ng Binggo at C2 na pang snack namin, sa likuran namin ay naroon si Kris at ang mga kaibigan niya, nakisabay sila sa amin ni Jenny at bibili rin daw sila ng makakain nila. Si Jenny at Kris pala ay matalik na magkaibigan at magkalapit ang kanilang bahay. “Leah, kumusta kana?” wika ni Kris na sa gawing kaliwa ko. “Mabuti naman.Ikaw?” “Okey lang din naman.” ika niya na may ngiti sa kanyang pagmumuka. Nagpatuloy ang aming pag-uusap at nakisawsaw sina Jenny at mga kaibigan ni Kris, nang dumating kami sa Canteen at nang bibili na kami ay inunahan kami ni Kris,.”Libre ko kayo lahat.” Wika niya. “Wow mayaman!” sambat ni Jenny. “Hindi naman sa mayaman ako. Hindi ko pa kasi kayo nalilibre e.” “Talaga bang libre mo?” panigurado ko. “Oo nga e.” sagot niya. Nagsi-order ang mga kaibigan niya pati narin siya, kami naman ni Jenny hindi na kami nagpapilit, bukod sa kaibigan at kaklase ko naman siya noong nakaraang taon ay matalik pa silang magkaibigan ni Jenny. Pagkatapos namin sa klase ay nagsiuwian na kami, mayroon pa kaming mga takdang aralin na kailangan naming maipasa bukas. Kinagabihan, sa bahay pagkatapos kong kumain ay binuklat ko ang mga kwaderno ko, tinapos ko nang sagutin ang mga takdang aralin namin bago ako natulog. Kinabukasan nang dahil maaga akong pumapasok sa eskuwelahan nadatnan ko sa silya ko ang isang liham na may nakasulat na “To my admirer, Leah Dimakuta.” Binuksan ko at binasa ko ang laman.
“Umagang kay ganda, Leah. Marahil ay nagtataka ka kung sino ako, isa ako sa mga kaibigang may lihim na pagtingin sa iyo noon pa hindi nga lang ako nagkaroon ng lakas ng loob noon kaya ito dinadaan ko sa sulat ngayon.
Leah, para kang Alarm Clock. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw ang gumigising sa natutulog kong puso.”
Your secret admirer
Hindi ko alam pero napangiti ako sa sulat ngayon, nadatnan ni Jenny na nagwawales ako kahit hindi ako ang naka-eskidiyul na maglilinis ngayon dahil sa maaga akong pumapasok at ako ang nauuna ay naglilinis na ako, kaya pagdating ng mga kaklase ko ay wala na silang lilinisin. Tulad parin ng mga nakaraang araw na palagi parin kaming binibigyan ng sakit sa ulo ng mga guro namin, lalo na sa Math, ewan ko ba kung bakit hindi maintindihan ng mga kaklase ko ang pagtatalakay ni ma’am sa pagsolve ng logarithm, napakasimple pa naman kaya ang nabibingi ako sa kakatanong ng mga kaklase ko pag-iniiwan kami ni ma’am, mabait kasi si ma’am Mathey dahil iniiwan niya kami pagnaibigay ang problem na isusolve naming.
Isang araw ng naglilinis kami ng silid aralin namin at magdi-decorate para sa nutrition day namin habang nakaupo ako sa isang silya sa bandang sulok at naggugupit ako ng kartulina ay lumapit sa akin si Jenny ibinigay sa akin ang isang liham. Hindi ko na iyon binasa roon sa school at iniuwi ko na sa bahay, nang nasa loob ako ng silid ko ay binasa ko ang liham. “Pangatlo kong sulat ito sa’yo. Sasabihin ko ang pangalan ko pero sana pagkabasa mo nito ay magreply ka. Ako si Kris, ang kaklase, kaibigan, at tagahanga mo. Gusto kong sabihing gustong gusto kita…..”
Secret admirer, Kris.
Pagkabasa ko sa liham na iyon, biglang bumalik lahat ng nararamdaman ko sa kanya na matagal ko ng kinalimutan, ang pagkagusto kong makita siya, ang nararamdaman ko sa kanya noong 3rd year pa kami ay bumalik at nadaragdagan ng kilig. Hindi ko napigilan ang sarili ko at isinulat ng mga kamay ko gamit ang isang ballpen sa isang malinis na papel ang nararamdaman ko. Binigay ko ang sulat na iyon kay Jenny at sinabi kong ibigay niya kay Kris. Simula nang replayan ko ang liham niya, nasundan iyon ng malalambing at panunuyong sulat, malimit kasi kaming magkita dahil magkaiba kami ng section, isa pa kapag nagkikita kami nahihiya kami sa isa’t isa hindi tulad noong dati na nagpapalitan kami ng katag tuwing magkakasalubong, ngayon ay palitan nalang ng ngiti, sa liham niya idinaan ang panliligaw niya sa akin, pinahintulutan ko na kasi siyang ligawan ako, hindi ko kasi mapigilan ang nararamdaman ko kaya hinayaan ko nalang kahit mali naniniwala parin ako na walang mali at walang hindi tama kung ang dalawang tao ay nagmamahalan. Lahat ng pinapadala niyang sulat ay kinikilig ako ng tudo sa mga iyon, napapangiti ako na para baga akong isang baliw pagbinabasa ko iyon lalo na sa mga pickup-lines na kalakip nito. Ito ang isa sa kanyang mga pinapadalang sulat.
“Mahal kong Leah, Alam mo bang sa tagal na panahong pinaghihintay mo ako ay mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi mahahadlangan ang pag-ibig ko sa iyo sapagkat ikaw at ikaw lamang ang sinisigaw ni’tong puso ko, ikaw ang laman ng aking panaginip, at sa paggising ko ikaw ang iniisip. Ikaw nanga ang hinahanap ng puso ang siyang nagbibigay ng saya at nang tamis sa buhay ko. Sana’y batid mo ang pag-ibig ko sa iyo.”
Kris
Kalakip nito ang isasa nagpakilig sa akin na pickup-line niya.
“Leah, Marunong ka bang Lumangoy? -Bakit? Kasi malulunod ka sa pagmamahal ko sa’yo.”
Alam kong hindi na uso ang ligawan sa pamamagitan ng liham pero yon parin ang paraang ginawa niya sa panliligaw niya sa akin, dito ko napagtanto na mas nakakakilig palang basahin ang mga malalambing na salitaan sa liham kaysa malalambing na palitan ng salitaan sa texts. Dumating yong oras na sinagot ko siya, at sa pamamagitan din ng liham at ang araw na iyon ay kaarawan niya, Sityembre 07 2014, Ika-pito ng umaga, ‘yon na rin ang ginawa kong regalo para sa kaniya. Nilibre niya kami sa araw na iyon, hiningi niyang lumabas kami dalawa pero hindi ko siya pinayagan, yaon kasi ang unang experience ko sa lovelife kaya hindi ako handang lumabas na kami lang dalawa naunawaan naman niya iyon. Lumipas ang mga araw na masaya at nakakakilig angaming palitan ng salitaan, may mga araw din na nagpaturo siya sa akin sa Math dahil minsan akong napagalitan ni ma’am Mathey noong malaman niyang binibigyan ko si Kris ng papel na sinagutan ko para makupiya niya.
“Bukas na ba ang uwi mo sa bayan niyo?” tanong niya sa akin noong nakaupo kami sa mga upuan doon sa Canteen. “Oo, siyanga pala hindi tayo pwedeng magtextan sa loob ng isang buwan.” “Bakit naman?Ang tagal naman, isang buwan pa talaga.” “Kasi hindi nga pwede.Maiintindihan mo rin.” Pagkatapos ng pag-uusap namin ay pumunta na kami sa aming silid aralan, tapos na kasi ang break time, at marami namang ibibilin ang mga guro na tatrabahuin namin para sa isang buwan na bakasyon. Doon ako magbabakasyon sa lugar ng lola kokay nanay, at dahil mahaba ang biyahe papunta roon ay umuwi ako kaagad pagkatapos ng sandaling pamamaalam namin sa aming mga guro.
Paglipas ng isang buwan, araw ng linggo noon nan g bumalik ako sa bahay kaya gaya ng napagkasunduan namin nila Jenny na lalabas kami at ililibre niya ako. Sa isang restaurant malapit sa paaralan namin ay kumain kami ni Jenny, libre niya iyon kaya nagpakabusog ako. Habang kumakain kami dada siya ng dada. “Alam mo ba Leah na nahospital si Kris noong nakaraang buwan?” “Nahospital? Hindi ko alam? Nagkasakit ba siya o ano? “Dahil sa gutom. Nag fasting rin kasi siya ng limang araw noong unang linggo ng fasting.” Paliwanag ni Jenny. “Bakit niya ginawa iyon, hindi pa niya sinasabi sa akin.” Umuwi akong nag-aalala pagkatapos naming kumain at mag-usap ni Jenny. Nagmadali akong umuwi at ni-charge ko ang cellphone ko nalubat kasi walang ilaw sa lugar nila lola, nagload narin ako at tinawagan ko siya nang mapa-turnon ko ito, mabuti nalang at walang tao sa bahay kundi ako lang. Nag-usap kami nang masagot niya ito, tinanong ko na rin kong bakit niya ginawa yong sinabi sakin ni Jenny. “Leah, wag kang magagalit, mahal kita at alam mo yon, kaya ginagawa ko ang lahat para lang mapatunayan ko kung gaano kita kamahal. Alam kong hindi mo sinasabing mali at bawal na mahalin kayo ng tulad ko, pero Leah handa akong gawin ang lahat para lang sayo.” “Kris naman.” Wala akong maisagot sa mga sinabi niya bigla akong natauhan, oo mahal ko siya pero hindi ko akalaing sisiriyusuhin niya iyon, akala ko ay puppy love lang an gaming pag-iibigan, ngunit bakit yon ang maririnig ko. Masaya ako sa mga narinig ko pero kasabay nito ang takot sa aking puso.
Sabi nga nila, walang sikrito na hindi nabubunyag. Isang araw nang ihatid ako ni Kris sa crossing malapit sa amin ay nakasalubong namin si nanay. Nataranta ako napatalikod, matinding takot ang naramdaman ko kaya hindi ako makaharap. “Leah, anak?” wika ni nanay. “nan-----ay.” Napasagot ako, hindi ko napigilan ang bibig ko na masambit yaon at nalingon ko. “Sino itong kasama mo?” sabay turo kay Kris na nakatayo malapit sa akin. “um---, hindi ko--- ‘nay-- kaklase ko po.” “Kris po ang pangalan ko, kinagagalang ko po kayong makilala.” Sabad ni Kris. Pilit na ngiti ang itinugon sa kanya ni nanay at kinalabit ako hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay Kris. Nang dumating kami sa bahay ay galit na galit ang nanay ko nandoon pa ang papa ko. “Yon ba ang sinasabi nilang nobyo mo na isang Kristiyan? Wag mo nang ilihim dahil alam na naming, akala mob a maililihim mo sa amin? Leah alam mong mali ang ginagawa mo?” galit na wika ni nanay. “Nauto k aba ng mga liham na ito?” sabad ni papa. “Pinalaki ka naming mabuti at inalagaan, pinag-aral para matuto.Ganiyan ba kahina yang utak mo?Malaki kana at alam mong hindi kita pinahihintulutan magnobyo, dahil bawal sa lahi natin ang magnobyo lalo na nang isang Kristiyano!” Wala na akong maisagot, napaiyak ako napaupo hindi alam ang gagawin, naghihintay ng parusa mula sa magulang ko. Tinanggap ko ang parusa nila sa akin. Mula noong araw na iyon, hindi na ako nagparamdam kay Kris, nagpalit ako ng SIM card, lagi akong nagpapahuli sa klase. Isang araw nagpadala siya ng sulat kay Jenny ngunit hindi ko binasa at tinapon ko sa basurahan. Madalas niya akong tinatanong kay Jenny sinabi k okay Jenny ang kalagayan ko at bilang kaibigan niya initindi niya ako. Iniiwasan ko na siya, gumagawa ako ng paraan para hindi niya ako makita. Martes nang hindi ko akalaing aabangan niya ako sa gate ng aming paaralan. “Leah, mag-usap tayo.”Sabi niya habang hinahabol niya ako papasok. “Wala tayong dapat pag-usapan, at utang na loob wag mo na akong hahabulin.” Napaiyak ako ng sabihin ko iyon sa kanya, labag sa kalooban ko ang sinasabi ko sa kanya. Napamahal ako sa kaniya ng tudo kahit alam kong yon ang pinakamali sa lahat ng mali. Wala siyang nagawa kundi sundan ako hanggang makapasok sa silid aralan namin. Nang pauwi na ako inabangan niya ako sa krosing na kinakitaan sa amin ni nanay, diritso lang ako sa paglalakad ngunit napatigil ako nang lumuhod siya. “Ano ba yang ginagawa mo? Tumayo ka riyan at umuwi ka na! sayang lang ang pagod mo at ang oras mo!” “Hindi ako tatayo rito kapag hindi ka nakipag-usap ng maliwanag sa akin.” Habang nagsasalita ay umiiyak. “Kris, sinasayang mo lang ang oras mo dahil wala itong hahantungan! Matagal na tayong wala, yan ang tandaan mo.” Mabilis akong tumakbo pauwi at umiiyak, iniwan ko siyang nakaluhod sa kalsada.
Biyernes ng hapon nang maglakasloob pumunta sa bahay si Kris. “Leah, mag-usap tayo!” Narinig ng papa ko at bumaba siya ng pagbuksan niya ng gate ay pinagalitan niya, “Hindi k aba nakakaintindi? Layuan mo ang anak ko dahil hindi kayo pwede, isa kang Kristiyano!” “’Tay, mahal ko po si Leah, gagawin kop o ang lahat para sa kanya.” Ang buong tapang na sagot ni Kris sa papa ko. “Ang lakas din ng loob mo! Ito ang tatandaan mo mula sa araw na ito tantanan mo na ang anak ko! Wag mong guluhin ang buhay niya! Walang hiya ka, pinarusahan ko ang kaisa-isa kong anak dahil sayo! Wag na wag kang babalik at kalimutan mo na ang anak ko kung hindi, pupugutan kita ng ulo, pasalamat ka’t hindi ko ginawa sayo yon e.” Dinig na dinig ko ang pagtataboy at galit ni papa kay Kris dahil nasa kuwarto ako’t nakakulong. Sa bintana nasilip ko ang mangiyak-iyak na muka ni Kris, nang pagsarahan siya nang pinto ni papa’y napatingin siya sa bintana ng aking silid, nakita niya ako, napakalungkot ng kanyang muka, umiiyak, umiiyak ddin ako, ilang Segundo ang lumipas nang malungkot siyang tumalikod at naglakad na pauwi, sinundan ko nalang ng tanaw ang kanyang bawat hakbang kasabay ng di mpigilpigil na pagtulo ng aking luha. Hindi ko siya magawang habulin ni tawagin ang kanyang pangalan, buong araw akong nagkulong sa kwarto. Mula kasinong araw na masalubong kami ni nanay ay lagi akong nakakulong sa kuwarto. Sa paaralan lang ang aking nilalabasan, at limitado ang oras ko. Papasukin nila ako ng ikapito’t dalawampong minuto tuwing umaga at pinapauwi pagkatapos na pagkatapos n gaming klase iyon ang parusa sa aking nagawang kasalanan. Takot ako sa mga magulang ko, lumaki akong lagi silang sinusunod, minsan ko lang sila nasuway at yon ay ang pagnonobyo nang hindi ko pa kalahi. Lumipas ang mga panahong ganun ang takbo ng pamumuhay ko. Ang mga liham na natanggap ko mula kay Kris ay sinunog ko sa aming bakuran upang sa gayon ay wala akong malilingong ala-ala mula sa kanya.unti-unti ko na ring natanggap ang mga pangyayari. Minsankong nang nasasalubong si Kris. Kung noon ay nagbabatian kami, at dumating sa punto na nagngingitian lang kami tuwing magkakasalubong, ngayon ay hindi na kami nagpapansinan na tila hindi na namin kilala ang isa’t isa. At ngayong maggagraduate na kami sa 4th year masaya ako sa pagiging salutatorian.
WAKAS…
submitted by Shamc12 to Wattpad [link] [comments]


2015.10.09 01:24 aimee1993 unexpected love

Ambisyusa, ilusyunada at kung anu-ano pa; ganyan kung tawagin si Inie ng lahat ng taong nakakaalam pag-ibig nya sa isang taong napakaimposible yatang ibigin sya. Sometimes pinagsasabihan na siyang baliw but she always ignore it. Sa halip ay pinagpatuloy niya ang pag-iilusyon at ginawa niya itong inspiration.
Chapter One Unexpected Love
We are five good friends. Familyz ang name ng group namin dahil sa para na kaming magkapamilya kung magturingan sa isa’t isa. Palaging masaya at nagkakatuwaan. Sa school kapag nag-iingay kami ay talagang napakaingay namin pero kapag inabot naman kami ng pagiging mababait na mga bata ay…naman, talagang tahimik. Nakakatuwa ano? Bago ko simulan ang kwentong ito ay ipapakilala ko muna ang mga tinutukoy kong magkakaibigan: si Charmaine isa sa kanila, matangkad, morena, sexy, wavy hair at pinakamatalino sa kanila. Si Mara ay kakaiba rin. Talagang may gandang itinatago sa likod ng kanyang pagkaslight dark girl. Matangkad sya kaysa kay Charmaine. Siguro kung maputi lang sya ay siguradong kaiinggitan sya ng mga kababaihan sa school namin. Bilib din ako sa kanya kasi naman kahit papundoy-pundoy sa ibang subjects, aba! Pag math naman ang pinag-uusapan ay talagang nangunguna ang peg. Si Maricel naman ay isang dalagang Pilipina …kung ilalaban ng pabilisan sa pagong eh, siguradong panalo na ang pagong. Hehehe! Joke…maganda rin sya, pinakamaputi sa amin, long hair at tama lang ang tangkad. Pero wag ka kahit mahinhin sya kapag kiniliti mo naman ay kasing bilis ng kiti-kiti kung umiktad. Si April naman ay matangkad din kaya lang para ng ting-ting sa kapayatan. Pero ha, kahit ganun lang yun para naman siyang barbie doll. Tigasin…kahit payat, aba! Kung lumakad at kumilos para bang wala ng makakatinag pa na kahit na sino. Minsan ang sarap nyang kasama, minsan naman tupakin. Sometimes nga may mga activities ang f5 (group name namin) na wala sya. Madalas kasing nasa pugad nya. Hahaha!

Ako naman si Inie. Wala naman akong masabi sa sarili ko. Syempre alam ko namang hindi talaga ako kagandahan but of course hindi ko din naman sasabihing pangit ako dahil sa nakikita ko sa mundo ay wala naman yatang ginawang pangit si God. Medyo chubby, waivy long hair, medyo kulang sa tangkad kasi naman di na yata ako naabunuhan…hahaha! Medyo may pagkabopols pero syempre trying hard pa din.

“Mas gwapo yung crush ko.” pagyayabang ni Mara habang busy kami magtsismisan nung hapong yun. Tawanan at payabangan. Syempre hindi rin ako nagpapatalo, “ows? Wala nga sa kuko ng crush ko yung crush mo eh. Bukod sa gwapo na, mabait pa” pagyayabang ko. “Naku Inie, paano mo naman nasisiguro na mabait yun? Hindi mo ba natatandaan ang kasabihan na ang taong may matamis na dila ay may itinatagong kapaitan sa puso? ” pambabara naman agad sa akin ni Charmaine. “Natutuwa talaga ako sa inyo. Pinagtatalunan nyo pa ang mga crush nyo. Akala mo naman ang popogi” awat ni April sa amin na may halong pang-aasar. “Aba! Bakit ikaw? Pogi ba ang crush mo? Kung di pa namin alam si ano lang din ang crush mo eh..” sabat ni Maricel ang tagapagtanggol namin minsan. “Oo nga.” Sabay-sabay na sabi naming tatlo. “Sino? Yun? Hindi yun no…yung young Cholo yata ang crush ko. Artista na, gwapo pa.” Hay…ibinida na naman ni April yung crush nyang hanggang sa t.v. lang naman nya makikita. Si Mara, Maricel at Charmaine ay ganun din. Baliw na baliw sa F4 ng boys over flower. Ewan ko ba sa kanila, alam naman nilang napakaimposibleng makita nila ang mga yun at maging bf pagdating ng araw. Hehe! Ako naman ay may pinagmamalaki din kapag nagpapayabangan na sila sa mga crush nilang yun. Sya si Nicky Byerne ng Westlife pero idol ko lang naman sya. Ang gusto ko kasi kapag nagkacrush ako ay dun na sa posible kong maabot. Mahirap kasing mangarap na hanggang pangarap ka na lang. Ganun lang kasi ako kasimple dati. Mababa kung lumipad. Semestral break na namin. Sayang 1 week lang. Pero masaya rin kasama ko ang pamilya ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang manood ng t.v. kaya lang minsan boring din kasi naman ang papangit din minsan ng palabas. Isang hapon ng dumating ang ate ko na may dalang cd. Asian teleserye kaya pinanood ko agad. Yun kasi ang mga kinahihiligan kong panoorin. Pinanood namin ng pinanood. Dahil sa mahaba ang kwento kaya matagal naming pinanood hanggang sa umabot ng ikalawang araw. Doon na banda sa part na maglalaban na ng laro ang mga bida sa basketball ay ipinakita na ang mga kalaban nito. Lumitaw ang isang lalaking may matikas na katawan, maputi, kissable lips at matangkad at – basta! Ang gwapo nya talaga! Napakagwapo! Simula nang isilang ako sa mundong ito ay sya pa lang ang pinakagwapong nakita ko. Kaya lang… sa t.v. ko lang sya nakikita at makikita. Nang gabing yun ay hindi ko pa rin makalimutan ang gwapong mukha ng lalaking yun na napanood ko sa t.v. “ang gwapo-gwapo nya talaga!” tuwang-tuwa at kilig na kilig na sabi ko sa aking sarili. “ako ba ‘to?” tanong ko sa natigilan at tulala kong diwa. Hindi ko na yata nakikilala ang sarili ko dahil kapag ang mga friends ko ang nagrereact ng ganito ay pinagtatawanan ko lamang sila. Pero ngayon, ano ito? Katulad na rin nila ako. Para na rin akong baliw. Napapatili at natutuwa kapag naaalala ko ang mukha ni Zhun; ang taiwanese actor na nainlove na yata ako sa kanya. Oo nga, love na ito kasi di na mabura sa aking isipan ang napakagwapo nyang mukha. Sa kanyang physical appearance ko nakita ang mga hinahanap ko sa isang lalaki.
Back to school again. Tapos na kasi ang sem. break. Isang matamis na ngiti ang nakasungaw sa aking mga labi habang papasok ng silid-aralan. Pagdating ko ay nakatingin sa akin ang mga friends ko. “Oh, Inie smiling face ka yata ngayon ah, anong nakain mo?” agad na tanong sa kin ni April. “Wala lang…” sagot ko sabay hagikhik. Nagtatakang nakitawa na rin sila sa ‘kin. Tawanan na naman kami sabay tahimik at sinabi kong “ang gwapo gwapo nya talaga…” napatingin sila sa akin at sabay-sabay na nagtanong “sino?” “Sino pa eh di si Zhun,” sagot ko. Natigilan silang lahat pagkatapos ay nagtawanan. “Hayan, eh di natulad ka na rin sa amin na nababaliw sa mga artistang imposible nating makita sa personal at napakaimposibleng patulan tayo.” Pangangantiyaw sa akin ni Mara. “Oo nga, kumbaga sa mga garapata lisa lang tayo” dagdag pa ni April. “Eh, bakit? Parepareho lang naman tayo ah. Kayo rin naman ganun din naman.” Naiinis kong sabi sa kanila. “At least sa amin crush lang, eh sayo, tingin namin inlove ka na dun eh…”panunudyo ni Maricel sa akin. “Ah, basta walang pakialamanan.” may pagtataray na sabi ko. “Wala…ganti-gantihan lang. Kung dati kami ang pinagtatawanan mo, ngayon ikaw na naman ang pagtatawanan naming,” ang hindi pagpapatalong sabad ni Charmaine.
CHAPTER 2 Unexpected Love
Simula nang ako’y isinilang ay ngayon ko lang naranasan ang ganito. Ngayon ko lang naexperience na mahirap pa lang magmahal. You know why? Dahil pati baon kong pera ay iniipon ko na, kung dati ay napakagastusera ko, ngayon ay halos hindi na ako bumibili kahit na ng candy. Para lang maipon ko at maibili ng cd na romantic princess kung saan si Zhun ang leading man. Hindi pa ako nakuntento sa pag-iipon lang ng pera. Nang medyo lumaki na ang ipon ko ay ibinili ko na ng paninda para lalong bumilis ang paglaki ng pera ko. 
“Negosyante ka na ngayon Inie, ah.” pansin ni Charmaine sa akin habang nagtitinda ako. “Oo nga. May mahalaga kasi akong bibilhin,eh” patago kong sagot. Alam ko kasi na kapag si Zhun na naman ang dahilan ay naku…kantiyaw na naman ang abot ko nito. “Mahalaga? Gaano kahalaga? Kasing halaga ba ni Zhun mo?” heto na naman…inaasar na naman ako ni April. “Hindi no!” agad kong deny sa kanila. “Hindi lang naman kasing halaga nya…cd nya lang naman ang bibilhin ko.” Dugtong ni Mara. Wala akong pakialam kahit na lagi nila akong inaasar. Isa lang ang mahalaga sa akin, yun ay ang makabili ng cd ni Zhun. Sa pamamagitan ng cd nya ay nakikita ko palagi ang lalaking dahilan ng bigla kong pagbabago. Oo, nagbago na nga ako. Kung dati ay lagi akong mainisin at tinutupak, ngayon ay hindi na. palagi na lang akong nakangiti. Ganito pala kapag inlove. Nakakapagpabago ng buhay. Nakaugalian ko na, na bago matulog ay nagmumunimuni muna ako. Nangangarap at iniisip ko ang future life ko. Dati rati ang pinipangarap ko lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral, maging isang NBI agent at ang makatulong sa aking mga magulang. Ganun lang kasimple. Mga pangarap na may posibilidad naman na aking maabot. Pero nung makita ko si Zhun ay nadagdagan na ang mga pangarap kong iyon. Alam nyo ba kung ano ang nadagdag? Isang pangarap na isinumpa ko sa aking sarili na hahanapin ko sya upang makita ng personal, mayakap at masabi ko sa kanya na siya lang ang lalaking minahal at pinangarap ko sa loob ng mahabang panahon. Siya ang pinangarap ko na maging future husband ko, iyon bang kakainggitan ako ng lahat dahil kahit ganito lang ako ay isang napakagwapo, at kilala ng buong mundo ang asawa ko. Diba, kakaiba? Gusto kong mangyari sa lovelife ko yung mga nababasa at napapanood kong malafairy tale na story. Kaya lang sabi nila isang ambisyusa, ilusyunada at nahihibang lang daw sa pag-ibig ang gumagawa ng ganun. Pero ako, wala akong pakialam sa kahit na anong sabihin nila. Bakit? Wala namang masama sa mangarap ah. At sa akin hindi lang basta pangarap na hanggang dun na lang dahil gusto kong makamtan ang lahat na mga pangarap ko. Kahit na sabihin pa nilang napakaimposibleng maabot ko yun. Ibang-iba na talaga ako. Kahit ako ay naninibago na rin sa aking sarili. Masayang masaya talaga ako nang magkaroon na ako ng collection sa mga cd ni Zhun. Bukod dun di pa talaga ako nakuntento, nagpaprint pa ako ng mga pictures nya. Alam nyo ba, iyon palagi ang pinagpapantasyahan ko at bago ako matulog ay kinikiss ko muna, oh diba? Haha! Baliw na nga yata ako. Pero, basta! Siya lang ang Mr. dreamboy ko and I want him to be my husband. Oo, may mga nanliligaw sa kin, sabihin na nating mga naduling sa pagmumukha ko. Nang minsang nakatambay kaming magkakaibigan sa isang bench ay may lalaking naglakas-loob na lumapit sa amin. “Hi Inie, pwede bang manligaw? Tutal naman malapit na ang graduation natin siguro naman okay lang yun sayo. ” walang pag-aatubili nya iyong sinabi sa harap ko at sa harap ng mga friends ko. “Aba! Lakas ng loob nito manligaw ah…kapal ng apog. Sa harap pa mismo ng maraming tao.” Pabulong kong sabi sa aking mga kaibigan. Napatingin sya sa amin na tila may gustong itanong. Maya-maya ay nagsalita sya. “Ah, Inie may problema ba? May masama ba akong nasabi sayo?” “Ha? Ah, eh wala naman. Pero dun sa sinabi mo kanina…” wala akong maisagot na maayos sa kanya. Ayaw ko namang ipahiya sya sa ilang mga students na naroon at sa mga friends ko kaya nag-isip ako ng paraan upang hindi sya mapahiya. “Ah, halika may ipapakita ako sayo.” Baling ko sa kanya agad naman syang lumapit sa akin. Mula sa aking wallet ay inilabas ko ang picture ni Zhun. “Nakikita mo ito?” tanong ko sa kanya. “Ano yan? Ang gwapo ng lalaki na yan ah. Parang hindi pinoy. Wag mo sabihing bf mo yan?” “Talagang hindi pinoy yan. Hindi mo ba sya kilala? Hindi ka ba nanonood ng mga asianobela? Artista yan, isang sikat na taiwanese actor. Siya si Wu Chun.” Taas noong pagpapakilala ko sa picture ni Zhun sa lalaking namamaalam manligaw na tila may pagkahambog. “Oh, bakit natatawa ka? ” inis na tanong ko sa kanya ng makita kong tatawa-tawa. “Eh, ano namang connection nya sa pamamaalam kong manligaw?” natatawa pang tanong nya. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko sa nakikita kong expression ng mukong na yun sa sinabi ko tungkol kay Zhun. Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at hinarap ko sya. “Alam mo, ayaw ko sanang ipahiya ka eh. Kaya lang hindi pa nga ako tapos magexplain about sa picture na yan pinagtatawanan mo na agad ako. Sayang…babastedin pa naman sana kita sa maayos na paraan kaya lang ang yabang mo! ” singhal ko sa kanya na galit na galit at sa lakas yata ng pagkakasigaw ko ay napatingin sa amin ang mga students na naroroon. Kitang kita sa mukha ng lalaking yun ang pagkagulat. Di pa ako nakuntento muli akong nagsalita upang ipamukha sa kanya kung gaano kahalaga sa akin ang picture na pinagtatawanan nya. “Bakit ka tumatawa? Bakit kasing gwapo mo ba ito? Kung makatawa ka feeling mo ang gwapo mo. Eh wala ka pa nga sa kuko nito eh. Kung makaasta ka akala mo kung sino ka, hmp! ” sabay snub ko sa kanya at walang lingon-likod na iniwan namin syang napahiya. “Aruy…binasted na nga, napahiya pa. Ang yabang mo kasi eh.” Narinig naming pangangantiyaw sa kanya ng isang student na naroon. Masakit rin para sa kin ang ginawa kong yun pero ang yabang nya kasi eh. “Inie, bakit naman ginanun mo na rin yun? Diba sabi natin wag tayong magpapahiya ng mga lalaki, mamaya makarma ka nun eh” sabi ni Charmaine na nag-aalala. Di agad ako nakasagot kaya biglang sumingit si Mara, “tama lang yung ginawa ni Inie, ang hambog-hambog ng lalaking yun eh…” “Oo nga naman Cha. Saka siguradong di makakarma si Inie dahil hindi na yan maiinlove sa iba. Nakabote na yata ang puso nyan, kung baga nakareserve na para ka Wu Chun,” sabad naman ni April. “Oo nga naman…” nakisabad na rin si Maricel. Napangiti na lang ako sa kanila at naisip kong sana lagi na lang silang nasa tabi ko.
CHAPTER 3 Unexpected Love
“Hi familyz…what’s up girls?” Masayang bati ko sa aking mga kaibigan. Happy together na naman ang familyz kaya lang ay medyo serious na ang bawat isa pagdating sa campus. Nasa college na kasi kami kaya kailangan ng seryusuhin ang pag-aaral. Pero ang masaya ay magkakasama pa rin kami sa school. Di pa rin kami naghihiwahiwalay. Magkakaiba nga lang kami ng course na kinuha. Criminology ang kinuha kong course tulad ng pangarap ko. Si Mara ay Entrep. Tulad ng pangarap nyang maging isang sikat na negosyante. Si Charmaine naman ay HRM ang kinuha kasi pangarap nyang magmanage ng sariling hotel and restaurant. Si April naman ay Civil engineering samantalang si Maricel ay Education ang kinuha. “Hay…ang hirap talagang magcollege.” Kamot sa ulong reklamo ni April. “Sinabi mo pa. kulang na nga lang eh malagas na ang buhok ko sa kakaisip sa mga babayaran namin. Every OJT libu-libo ang ginagastos namin.” Reklamo rin ni Charmaine. “Eh ako nga inaanay na ang utak ko kakareview. Ang hirap pala mag educ. nakakabaliw.” Naiinis ding reklamo ni Maricel. “Bakit nga ako eh-” “Tama na Mara.” Putol ko sa irereklamo din sana ni Mara. “maawa na kayo sa akin. Nakukuliling na ang tainga ko sa kakareklamo ninyo. Parepareho lang naman tayong nahihirapan. Baka nga mas mahirap pa ang pinagdadaanan kong hirap kaysa sa inyo. Pero diba highschool pa lang tayo inaasahan na natin to? Kaya pagtiisan na lang natin. Kung dati ang motto natin ay study first before anything else ngayon naman kapag may tiyaga, may nilaga at nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.” Mahabang seremonyas ko para lang mapawi ang kanilang kalungkutang nadarama ng mga oras na yun. Pagkatapos ay nagtawanan na sila. “Aba okay ah.” Natatawang sabi ni April. “Oo nga, kunting tiyaga at tiis lang pagkatapos naman ay magpapakasaya na rin naman tayo sa mga buhay natin eh.” Dagdag pang sabi ni Mara. Nagkatinginan ang familyz at sabay na nagpatungan ng kamay sa gitna at binigkas ang bagong motto “kapag may tiyaga, may nilaga. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa!” pagkatapos ay sabay na nagtawanan.
Four years later after we graduated in college…
“Grabe…bilib na talaga ako sa galing ni Lt. Quiamco, ah, I mean Captain Quiamco. Dati kasi lieutenant lang ngayon ang bilis tumaas ng ranggo, Captain na…lupit. ” narinig kong sabi ng isa kong kasamahan. Aba…at talagang ako pa ang topic nila ng umagang yun. Maging ako man ay nabigla din ng iannounce ng boss namin na isa na akong Captain. Boss ang tawag namin sa head ng agency namin kasi naman may pagkasenyorito sya. Napakahilig mang utos, kahit tubig na lang na inumin nya ay ipag-uutos pa. “Captain Quiamco, pinapatawag po kayo ni bossing.” Sabi sa akin ng nagmamadaling tauhan ko. Kinabahan ako kasi baka sinumpong na naman yun at ako na naman ang napagtripan. Mabilis akong kumatok sa opisina nya. “Come in.” may pagkasuplado at tipid nitong wika. Pumasok agad ako at nagbigay pugay. “Ipinatawag nyo daw po ako, sir?” matigas at buo ang aking boses. Nanatili pa din akong nakatayo ng tuwid sa harap nya. “Oo. Dahil may panibago akong mission na ibibigay sayo. Ito ay napakalaki, napakahalaga at napakaimportanteng magawa mo sa mas madaling panahon.” Seryosong sabi nito. “Eh, sir-” “Hindi pa ako tapos Captain Quiamco!” singhal nya sa akin sabay pukpok ng kanyang table. Nagulat ako sa ginawa nito. Pero balewala na lang yun sa akin. Lahat naman kaming mga NBI agent ay sanay na sa kanya. Palibhasa kasi tumanda na lang sa trabaho kaya masyadong sineryoso ang bawat galaw nya. “I apologize, sir.” Hingi ko sa kanya ng paumanhin. “Okay, on the next day na ang flight mo to Taiwan.” “What?! Sir, sa Taiwan?” gulat na gulat ako sa sinabi ni bossing. Di ko akalaing ang layo pala ng pupuntahan kong mission at sa Taiwan pa. Agad na pumasok sa isip ko si Zhun ang lalaking highschool pa lang ako ay kinabaliwan ko na at sya ang dahilan kung kaya’t naabot ko ang aking pangarap na maging isang NBI agent. Bigla akong nagising sa isiping iyon ng makita ko ang mga matang nanlalaki sa kakatitig sa akin ni bossing. “Ah, eh..sir, I apologize again.” Mahinahon at nahihintakutan kong sabi. Bago ko lang narealize na nasigawan ko pala sya kaya pala ganun na lang ang reaction ng mukha nya. “Captain Quiamco, I warn you. Ulitin mo pa yan, susungangain ko na ng dulo ng baril yang nguso mo.” Nanggigigil na sabi nya sa akin. Agad naman akong tumalima. “Sir, yes sir!” pagkatapos ay minabuti ko na lang ang manahimik. “Ang mission mo ay ang hanapin, sundan at manmanan ang isang pinoy drug lord na nagtatago sa Taiwan ngunit patuloy na nagpapalaganap ng matataas na klase ng droga dito sa Pinas, siya si Vienbenido Monsour. I will give you one month to do your mission.” Saglit akong nag-isip, one month, napakaiksi naman nun. Paano kung hindi ko agad makita yung taong pinapahanap nya? “Captain, may iniiisip ka ba? Kung iniisip mo ang gagastusin sa pagpunta dun ay wala ka ng poproblemahin. Agency na ang bahala dun.” Paliwanag ni bossing ng mapansin nyang may iniisip ako. “Hindi po yun, sir.” Tanggi ko sa kanya. “Eh, ano?” nakakunot ang noong tanong nya. “Ah, sir can I say something?” paalam ko sa kanya dahil baka singhalan na naman ako. “Sure, go ahead.” “Dun po kasi sa one month na ibinigay nyo sa kin, parang kukulangin pa yata ako sa time, sir. Biruin nyo po pagdating ko dun hahanapin ko pa sya tapos-”, “Ok, ok…2 months. You may go out now.” Kakamot-kamot ng kanyang panot na ulo na ipinagtutulakan na ako palabas ng kanyang office. Nakukulitan na sa akin. “Ok, sir. Permission to leave, sir!” nangingiti kong sabi sabay salute at lumabas na ako. Gamit ang aking laptop ay kinontak ko ang familyz. Kelangan kong magpaparty sa familyz bago ako umalis patungong Taiwan. Nagpahanda ako ng marami at masasarap na pagkain sa resort ko sa El Nido. Party for the familyz only. Before lunch time ay sabay na dumating sina Mara, Maricel, Charmaine at April. Tulad ko ay natupad na rin nila ang kanilang mga pangarap. Bongga na rin ang mga gaga, haha! Nakakotse na rin ang bawat isa. Tuwang tuwa sila ng malaman nilang sa Taiwan pa pala ang pupuntahan ko. Sabi nila ang swerte ko daw kasi may possibility raw na makita ko dun si Zhun at matupad na rin ang pinapangarap kong love story.
CHAPTER FOUR Unexpected Love
Ayon sa file information na nabasa ko about kay Monsour ay nagpalit na sya ng name kaya mahihirapan akong hanapin sya. Pero bukod sa picture na ibinigay sa akin ay may palatandaan ding sinabi sa akin ang isa nyang tauhan na tumiwalag na sa kanya. Sinabi rin nito na nasa Taipei si Monsour. May sarili daw itong hotel dun na minamanage. Ito daw ang nagmamay-ari ng Shahala hotel. Kakaiba talaga ang Monsour na yun. Siguradong katas ng illegal na droga ang ininvest nya dito. “Miss, are you a Filipino?” tanong ko sa isang staff dun na mukhang pinay. “Yes, ma’am. Are you Filipino too?” nakangiting balik tanong sa akin nito. Matangkad at mukha namang mabait ang babae. “Oo, halata naman sa itsura ko diba? Sabi ko na nga bang magkalahi tayo, eh.” Pabiro kong sabi sa kanya. Agad ko syang nakagaanan ng loob at tingin ko ay ganun din sya sa akin. “Clara, matagal ka na bang nagwowork sa hotel na ito?” tanong ko sa kanya. Clara pala ang pangalan ng babaeng ito. “2 years na rin. Ikaw, pumunta ka ba dito para magwork din? Kung gusto mo ipapasok din kita dito tulad ng work ko.” Pag-aalok nya sa akin. Hindi ko sinabi sa kanya ang talagang pakay ko kaya agad akong nagpalusot. “Naku, di na lang bale…thanks for your concern. Ang totoo kasi nyan ay nagbakasyon lang talaga ako dito.” Pagsisinungaling ko sa kanya. “Bakasyon? So, mayaman ka pala? Kasi mayayaman lang nakakapagbakasyon sa ibang bansa eh. Tapos nakakapagcheck-in pa sa mga sikat na hotel.” Nagniningning ang mga matang sabi niya. “Naku, hindi naman sa ganun. Nakapag-asawa kasi yung ate ko ng Taiwanese kaya pinagbakasyon nya ako dito.” Pagsisinungaling ko. “Ah, ganun ba?” sabi nito na mukhang napaniwala ko naman. “Ganun na nga…”sabi ko na napipilitang nakangiti. Hinatid nya ako sa room ko. Nagshower agad ako, kumain at pagkatapos ay agad kong inilatag ang pagod kong katawan sa malambot at mabangong kama. “Good morning Inie…oh, ano? Kamusta ang buhay mo dyan sa Taiwan?” masayang tanong sa akin ni Mara habang kausap ko ang familyz sa skype. Magkakasama silang apat sa mga oras na yun. Nasa rest house sila ng familyz sa Baguio. Naiinggit ako sa kanila kasi magkakasama sila samantalang ako ay nasa malayo. “You know, familyz ok lang ako dito pero syempre lagi pa rin akong alert sa bawat kilos ko.” “Oh, ano may alam ka na bang salita dyan ng Taiwanese?” pagbibiro sa akin ni Maricel. “Oo naman, ako pa.” pagyayabang ko ding pabiro. Natawa sila at nagtanong sa akin si April. “Ows, ano naman yun?” “Ano pa, eh di…ha-la!” tawanan na naman. Ang saya pa rin namin kahit na nasa malayo ako. Solid pa rin ang aming samahan. “Patawa ka talaga, Inie…eh, si Wu Chun mo nakita mo na ba?” pangungutyang tanong ni Charmaine. Natawa ako at saglit na nag-isip. “Sa tingin ko Cha…kailangan ko munang kalimutan si Zhun within 2 months na ipamamalagi ko dito sa Taiwan. Kakaiba itong mission na binigay sa kin ni boss eh. Baka sesantihin ako nun pag di ko nagawa.” “Eh, paano na ang malafairy tale lovestory mong pinapangarap?” malungkot na tanong ni Mara. “Siguro nga imposible na yung mangyari. Noon 16 years old pa lang ako nang magsimula akong maniwala sa fairy tale lovestory pero ngayon 26 years old na ako. At parang ayaw ko ng paniwalaan pa yun. ” “Ok, ikaw ang bahala.” Sabi ni April. Pagkatapos kong magbreakfast ay nagshower ako. Isinuot ko ang isang maganda at mamahaling pants at isang fashion long dress na bagay sa akin. Bago ako lumabas ng room ay isinuksok ko sa bandang bewang ko ang aking maladaliring Indian knife at sa maliit kong shoulder bag ang maliit kong baril. Bumaba ako sa 2nd floor kung saan may minimall dun at restaurant. Habang palihim kong hinahanap si monsour ay tumitingin ako sa mga appliances na naroon. Palipat lipat ang aking tingin sa mga paninda at mga Taiwanese na busy sa pag-iikot sa mall. Nang mapalinga ako sa bandang kaliwa ay napatitig ako sa isang lalaking nakasuot ng sun glass. May makapal na bigote at simple lang ang sout na damit. Biglang pumasok sa aking isipan ang sinabi ng dating tauhan ni Monsour. “magaling magtago si Monsour, lahat ng damit na sinusuot nya ay inaayon nya sa pinupuntahan nyang lugar. Hindi rin sya nagsasama ng mga bodyguards nya. Hindi mo mahahalata sa kilos nya ang pagiging masamang tao nya.” Binuksan ko ang aking bag at tiningnan sa loob nito ang picture ni Monsour. Kamukha nga nya, kaya lang ay hindi ko Makita ang kanyang mga mata dahil natatakpan yun ng kanyang salamin. May sumagi pa sa aking isip. “at higit sa lahat, si Monsour ay may tattoo sa kaliwang pisngi pero hindi mo ito basta-basta makikita kung di ka magsusuot ng sunglass. ” iyon ang huling information na sinabi ng tao nya sa kin. Lumapit ako sa isang Taiwanese vendor na nagtitinda ng mga sunglasses habang pasulyap-sulyap akong nakatingin sa lalaking pinagdududahan kong si Monsour nga iyon. Hindi pa rin sya umaalis sa mga sapatos na nakadisplay na tila pumipili ng bibilhin. “hi! Can I have one of your sunglasses?” tanong ko sa vendor sabay kuha ng salamin. “Sure, ma’am.” Sagot nito at abot sa akin ng isa. Pasimple akong lumakad sa bandang kaliwa ng lalaking yun. Limang metro ang layo ko sa kanya. Pumwesto ako sa mga nakahanger na bestida. Doon ko isinuot ang sunglass na binili ko. Nagulat ako sa aking nakita. Isang dragon ang nakatattoo sa kanyang kaliwang pisngi. Totoo nga ang ibinigay na information sa akin. Confirm na si Monsour na nga iyon. Palakad-lakad akong pumipili ng damit habang papalapit sa kinaroroonan nya. Aba! Napayuko lang ako saglit at ng iangat ko ang aking ulo ay wala na sya. Nagpalinga-linga ako pero hindi ko na talaga sya makita. Naglakad-lakad ako sa bandang prutasan at nang mapatingin ako sa isang mansanas ay laking gulat ko ng may nakapatong na dulo ng baril. Tatakbo na sana ako ng may isang lalaking humarang sa harapan ko kung saan doon ang direction ng bala ng baril ng magpaputok si Monsour. Hinablot ko ang lalaki at mabilis na hinila hanggang sa makatago kami sa pader na malapit sa kinaroroonan namin bago ko pa sya hilain. Laking pasalamat ko dahil nailigtas ko ang lalaking customer dun. Patuloy pa rin ang putok ng baril sa pinagtataguan namin. Habang kinukuha ko ang baril sa aking bag ay gulat na gulat ako ng kinorner ako ng lalaking sinagip ko at ikinover nya sa akin ang malaki nyang katawan. Nagpupumiglas ako sa sobra kong inis. Gusto ko na sana syang itulak ng mga oras na yun kaya lang baka tamaan sya ng sunod-sunod na bala. “Mukhang siraulo yata ang lalaking ito. Nagkamali yata ako ng iniligtas”, bulong ko sa aking sarili. Mabuti na lang nakawala ang isang kamay ko na may hawak na baril. Kahit na hindi ko nakikita si Monsour dahil sa lalaking ito na halos nakayakap na sa akin ay nagpaputok pa din ako sa kinaroroonan ng kalaban. Tumigil ang pagpapaputok ni Monsour, naisip kong tumalilis na siguro ng takbo. Ubod lakas kong itinulak ang lalaking iniligtas ko na nga, sinira pa ang trabaho ko. Napaupo ito sa sahig. Laking gulat ko pa ng Makita at mapatitig ako sa mukha nya. “What a miracle moment! I think it’s a destiny.” Bulong ko sa aking sarili. Nanatili lang itong nakaupo sa sahig habang nakikipaglaban ng titigan sa akin.
At that moment para akong nasa ibang universe kung saan dalawa lang kami ng lalaking yun ang nabubuhay doon. Ang lalaking matagal ko ng pinangarap at inasam-asam na Makita at makasama in real life. Wish granted at dream come true na nga ba talaga yun? Si Wu Chun nga ba itong kaharap ko? Oh my gosh! Hindi pa rin ako makapaniwala. Ilang sandali lang ay marami ng dumating na mga Taiwanese reporter. Agad na akong pumuslit sa mall habang pinagtutumpukan ng mga reporter ang lalaking hindi ko inaasahang makikita sa ganong sitwasyon. Inis na inis at puno ng panghihinayang akong bumalik sa room ko. Mahuhuli ko na sana sa mga pagkakataong yun si Monsour. Talagang matinik nga ang taong yun. Ang talas ng pakiramdam nya dahil nalaman nya agad na sya ang target ko. Biglang pumasok sa aking isipan ang mukhang matagal ko ng gustong makita sa personal. “Bakit kaya nandun si Zhun?” tanong ko sa aking sarili. Ang hindi ko alam ay mahilig rin pala syang maglakad ng nag-iisa. Pero teka, bakit parang balewala na lang sa akin ang pagkikita naming yun? Samantalang dati ang pangarap ko ay kapag nakita ko sya ay yayakapin ko sya at sasabihing mahal ko sya. Maya-maya ay bumalik sa aking isipan ang pangyayari kung saan mabilis ko syang hinablot at tumago kami sa pader at ng kukunin ko na ang aking baril ay—“oh no, niyakap nya ako at ikinover nya ang kanyang katawan sa akin..” tuwang tuwa at kilig na kilig ako sa aking alaala. Ngunit ng maisip ko si Monsour, ang pagtakas nito ay agad na kumulo ang aking dugo. “niyakap ako ng Zhun na yun para makatakas si Monsour! Teka, hindi kaya si Zhun ay isa sa mga galamay ni Monsour? Pero bakit ko naman pag-iisipan ng ganun si Zhun samantalang noon ay di ako pumapayag kapag sinasabi nilang masama ang ugali nito. Kaya lang, I need to protect myself. Trabaho muna bago yang love na yan dahil baka yan pa ang pumatay sa akin.”
submitted by aimee1993 to Kwaderno [link] [comments]